Tagalog News: Mga nagwagi sa Palarong Pambansa 2012 kinilala; NCR nanguna

LINGAYEN, Pangasinan, Mayo 15 (PIA) — Binigyang-parangal sa isang programa ang mga nagsipagwagi sa Palarong Pambansa 2012 noong Sabado na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) sa bayang ito.

Unang iginawad ang mga natatanging parangal gaya ng pinaka-disiplinado at “cleanest, greenest, eco-friendliest” na delegasyon na nakamit ng Rehiyon 4-B (MIMAROPA). Samantala, ang pinaka-organisadong delegasyon ay nakuha ng Rehiyon 4-A (CALABARZON) at ang pinaka-malaking delegasyon para sa pagtatapos na programa ay napunta sa Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao).

Pinarangalan din ang Tandoc Elementary School at Tandoc National High School sa lungsod ng San Carlos bilang “cleanest, greenest, eco-friendliest” na paaralan. “Best School Host Billeting Area” naman ang Estanza Elementary School at Estanza National High School sa bayan ng Lingayen.

Pagkatapos ay inihayag na ang mga nanalo sa dibisyon ng elementarya. Ito ay ang National Capital Region (NCR), unang puwesto; Rehiyon 6 (Kanlurang Visayas), ikalawang puwesto; Rehiyon 4-A (CALABARZON), ikatlong puwesto; Rehiyon 7 (Gitnang Visayas), ika-apat na puwesto; Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao),ikalimang puwesto; at Rehiyon Uno (Ilocos), ika-anim na puwesto.

Sunod na binanggit ang mga nagwagi sa dibisyon ng hayskul. Ito ay ang National Capital Region (NCR), unang puwesto; Rehiyon 6 (Kanlurang Visayas), ikalawang puwesto; Rehiyon 4-A (CALABARZON), ikatlong puwesto; Rehiyon 7 (Gitnang Visayas), ika-apat na puwesto; Rehiyon 3 (Gitnang Luzon), ikalimang puwesto; at Rehiyon 12 (Cotabato), ika-anim na puwesto.

Sa pangkalahatan, naiuwi ng National Capital Region (NCR) ang unang puwesto; Rehiyon 6 (Kanlurang Visayas), ikalawang puwesto; Rehiyon 4-A (CALABARZON), ikatlong puwesto; Rehiyon 7 (Gitnang Visayas), ika-apat na puwesto; Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao), ikalimang puwesto; at Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) ang ika-anim na puwesto.

Pinuri naman ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na si Bro. Armin Luistro ang Rehiyon Uno, Rehiyon 3 at ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) dahil sa tumaas ang kanilang puwesto kumpara noong nakaraang taon. Mula sa ika-labindalawa, ngayon ay ika-siyam na ang Rehiyon Uno; ang Rehiyon 3 na dati ay ikawalo, ngayon ay ika-anim na; at ang ARMM na ika-labimpito noon, ngayon ay ika-labing lima na.

Bago pa man tuluyang matapos ang pagkilala, sinindihan ang halos isang libong “sky lantern” na siyang simbolo na ang apoy ng palaro ay magsisi-uwi na sa kani-kaniyang rehiyon. Inawit din nila ang “Auld Lang Syne” na naglalarawan ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga kalahok sa pinakamalaking paligsahan ng pampalakasan sa bansa. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s