Tagalog news: Mga kabataang Dagupeño hinasa ang talento

LUNGSOD NG DAGUPAN, Mayo 15 (PIA) –- Inilunsad ng DZRD 981 Sunshine Radio ang Barangay Videoke Icon, isang patimpalak sa pag-awit, nitong nakaraang linggo sa Astrodome sa lungsod na ito.

Layunin nitong matulungan ang mga kabataang Dagupeño na mahasa ang kanilang talento nang sa gayon ay makapag-bigay sila ng inspirasyon sa kanilang kapwa na abutin ang kanilang mga pangarap at gawing kapaki-pakinabang ang kanilang bakasyon.

Nagmula sa 31 barangay sa lungsod na ito ang lumahok sa mga awdisyon na ginanap sa limang magkakaibang klaster. Tatlong kalahok ang mapipili sa bawat klaster na siyang magiging kinatawan nito sa tatlong kategorya: bulilit, dyunyor at senyor.

Isa lamang ang itinanghal na kampeyon sa bawat kategorya. Ito ay sina Alyssa Mae Errasquin mula sa barangay Tambac, kategoryang bulilit; Florence May Bejar mula sa barangay Herrero-Perez, kategoryang dyunyor; at Jessel Lambino mula sa barangay Lucao, kategoryang senyor.

Naging matagumpay ang paligsahan sa tulong na rin ng ilang isponsor na nakikiisa sa layunin ng Sonshine Radio. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s