Tagalog news: PSHS scholarship, inihahanda ang mga estudyante para sa propesyong agham at teknolohiya

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 12 (PIA) — Upang maihanda ang mga estudyante para sa propesyon na may kinalaman sa agham at teknolohiya at upang makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng pagkamit sa nararapat na bilang na propesyonal at lider sa nasabing larangan, ang Philippine Science High School (PSHS) at ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ay nagbukas ng aplikasyon para sa scholarship sa mga nagtapos sa elementary sa buong nasyon.

Sa panayam kay Rachel S. Jose, Project Assistant III ng DOST 1, sinabi nito na sakop ng naturang scholarship ang libreng tuition fee, libreng pag-hiram ng libro, buwanang sustento, uniporme, transportasyon at living allowances para sa mga grupong may mababang kita.

Ilan sa mga kailangang isumite ay ang mga sumusunod: application form na pinirmahan galing sa opisina ng DOST o PSHS campus, dalawang 1x 1 na litrato, kopya ng grado kung ang aplikante ay hindi kabilang sa upper 10 porsiyento ng kanyang hanay noong taong 2011-2012.

Ang aplikante ay kinakailangan ding may malakas na pangangatawan, handang sumailalim sa academic program at higit sa lahat ay may mabuting asal o ugali.

Dagdag pa ni Jose na proseso ng pagkuha ay isasagawa sa ika-29 ng Setyembre ngayong taon sa pamamagitan ng isang pagsusulit na kilala bilang National Competitive Examination na dinisenyo upang sukatin ang abilidad ng mag-aaral na ayon sa siyensiya at kantidad, makadiwang pangangatwiran o abstract reasoning at verbal aptitude.

Ang mga interesadong estudayante ay maaaring kumuha ng form sa ilang opisina tulad sa PSHS campuses sa San Ildefonso, Ilocos Sur dito sa rehiyon uno gayundin sa DOST Regional and provincial office dahil hanggang Hulyo 13 na lamang ang huling araw ng aplikasyon.

Ang examination permits ay ibibigay sa mga estudyante ng campus na kanilang pinagprosesohan ng nasabing scholarship.

Ngunit sa mga aplikanteng naghain sa ahensiya ng DOST, ang kanilang permit ay ihuhulog na lamang sa kanila o kanilang principal sa eskwelahan sa pamamagitan ng liham.

Paliwanag pa ni Jose, walang tiyak na bilang ang kanilang kukunin para sa PSHS scholarship dahil nakadepende ito sa resulta ng eksaminasyon. (JCR/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula DOST1)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s