Tagalog News: Mga kabataang Dagupeño lumahok sa Youth Summit

SIYUDAD NG DAGUPAN, May 13 (PIA) — Ginanap ang isang Youth Summit sa City Astrodome sa siyudad na ito noong nakaraang linggo upang hikayatin ang mga kabataang Dagupeño na maging aktibong daan tungo sa pagbabago.

“Ang mga kabataan ang dapat na manguna sa laban kontra kahirapan. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa edukasyon, impormasyon at komunikasyon at pangangalakal,” pahayag ng isa sa mga tagapagsalita na si Joey De Venecia III.

Nabigyang-linaw ang pahayag ni De Venecia nang talakayin ang mga paksang gaya ng pagbibigay ng karapatan sa mga kabataan upang makapag-desisyon; pagtukoy sa mga suliranin ng lipunan at paano ito matutugunan; at paggamit ng makabagong teknolohiya upang makisalamuha sa iba.

Bukod dito, tinalakay din ang batas ukol sa Solid Waste Management na nagpa-alala sa kanila na pangalagaan ang kapaligiran. Nagkaroon din ng pagsasanay sa pagsasalita upang mas mahusay silang makapagpahayag at hinimuk silang magsayaw nang magkaroon sila ng malusog na pangangatawan.

Nilahukan ang Youth Summit ng mga mag-aaral mula sa Lyceum-Northwestern University (LNU), University of Luzon (UL) at University of Pangasinan (UPANG) na kasapi sa Students in Free Enterprise (SIFE).

Umaasa ang lokal na pamahalaan at ang Globe Telecom, mga tagapangasiwa, na ang mga natutunan ng mga kabataan mula sa pagdalo nila rito ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin bilang mga tagapagtaguyod ng bansa sa hinaharap. (JCR/AMM-PIA1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s