Tagalog news: PBA-All Stars sa Ilocos Norte para sa Pista ng La Milagrosa

LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 10 (PIA) — Dumating kaninang umaga sa Ilocos Norte ang mga sikat na manlalaro ng Philippine Basketball Association o PBA bilang pakikibahagi sa Pista ng La Milagrosa sa probinsya.

Ang pagbisita ng mga sikat na manlalaro ay isang paraan ng pagbibigay inspirasyon nila sa mga kabataan at pagtataguyod pa lalo ng larong basketball sa mga kabataan sa buong probinsya.

Lulan ng dalawang bus, nagbigay-pugay ang mga manlalaro kaninang umaga kay Laoag City Mayor Michael V. Farinas sa Laoag City hall. Namigay din sila ng mga posters at nagpakuha ng litrato sa mga nakaabang na mga tagahanga.

Kabilang sa kanilang mga aktibidad sa pagbisita sa nasabing lugar ay ang pagbibigay ng libreng pagsasanay o basketball clinic sa mga kabataan dito na gaganapin sa Mayo 11 sa Laoag City Auditorium at sa Mayo 13 naman sa Ilocos Norte Centennial Arena. Mga kabataang may kapansanan ang napili ng grupo na paglaanan ng kanilang serbisyo.

Bibisitahin din ng mga basketbolista ang mga pasyente sa Laoag City General Hospital (LCGH) bukas para magbigay inspirasyon sa kanila. Makikibahagi din ang mga manlalaro sa City Street Party na gaganapin bukas ng gabi sa Laoag City Aurora Park.

Magkakaroon din ng laro sa pagitan mismo ng mga magagaling na basketbolista na pangungunahan nina Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Rudy Hatfield, at Willie Miller ang laro laban sa grupo nina Ronnie Magsanoc, Allan Caidic, Asi Taulava, Ranidel de Ocampo, JJ Helterbrand, at Marc Cardona kasama ang mga iba pang manlalaro para sa unang laban na tinawag na Great Vs. Stalwart sa araw ng Biyernes sa Ilocos Norte Centennial Arena.

Sa ikalawang laro naman na gaganapin sa Mayo 13 na binansagang Veterans Vs. RSJ ay pangungunahan ng kapapanalo lang na MVP sa nakaraang PBA conference na si James Yap, kasama sina Mark Caguioa, Mark Pingris, Jimmy Alapag, Alex Cabagnot laban sa mga grupo ng PBA Rookie na sina JV Casio, Paul Lu, Chris Ross, Japet Aguilar at iba pa.

Ang programa ay pinagtulungang ipagkaloob ng probinsya ng Ilocos Norte na pinangungunahan ni Gov. Imee R. Marcos at ng lokal na pamahalaang lungsod ng Laoag sa pangunguna naman ni Mayor Michael V. Farinas.

Inaasahan ng parehong kampo na ang pagbisitang ito ng mga manlalaro ay magbibigay aliw sa mga tao at makapagdudulot ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan na mahilig sa isports at nang malayo sila sa bisyo.

Ang pista ng La Milagrosa ay nagsimula noong ika-2 ng Mayo at magtatapos sa ika-14 ng nasabing buwan. Ang pista ay bilang paggunita sa himalang dulot ng La Virgen Milagrosa sa Badoc, Ilocos Norte. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s