Tagalog News: Banka Parada isinagawa sa Pangasinan

BUGALLON, Pangasinan, Mayo 10 (PIA) — Umabot sa 160 na makukulay na bangka ang pumarada sa ilog ng Agno nang muling isinagawa sa lalawigan ang Banka Parada noong ika-1 ng Mayo na bahagi ng pagdiriwang ng Piyesta ng Dagat.

Ang parada ng mga bangka ay sinimulan sa barangay Pangapisan sa bayan ng Lingayen at nagtapos sa barangay Bañaga sa bayang ito. Taunan itong ginagawa upang bigyang-pugay ang kalinisan ng mga ilog at upang kilalanin ang mga hakbang ng pamahalaan para sa ikagaganda ng kapaligiran.

Gawa ang mga bangka sa katutubong materyal at bakas dito ang temang, “Kalinisan at Kagandahan ng mga Ilog, Luwalhati ng Pangasinan.” Sakay nito ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na gumamit ng kasuotang naglalarawan ng kanilang lungsod o munisipalidad. Lumahok din ang ibang kagawaran na nakasuot naman ng Hawaiian.

Ang mga nagwagi sa kategoryang A na binubuo ng mga barangay ay ang mga sumusunod: Baybay Lopez, bilang kampeyon; San Isidro Sur, sa ikalawang puwesto; Dulag, sa ikatlong puwesto; at Naguilayan, para sa ika-apat na puwesto. Ang apat na nanalong barangay ay matatagpuan sa bayan ng Binmaley.

Nilahukan naman ng mga pambansang ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ang kategorya B. Ang mga nanalo ay ang bayan ng Sual, bilang kampeyon; bayan ng San Fabian, sa ikalawang puwesto; bayan ng Anda, sa ikatlong puwesto; at bayan ng Binmaley, para sa ika-apat na puwesto.

Mismong ang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG na si Jesse M. Robredo ang nag-abot ng mga gantimpala para sa mga nagsipagwagi sa Banka Parada.

Nagkamit ang mga kampeyon ng P25,000; P20,000 para sa mga nasa ikalawang puwesto; P15,000 para sa mga nasa ikatlong puwesto; at P10,000 para sa mga nasa ika-apat na puwesto.

Nabigyan din ng tropeyo ang mga nagwagi sa kategorya A. Tumanggap naman ng P3,500 na may kasamang sertipiko ang mga hindi pinalad. Sertipiko rin ang iginawad sa mga hindi nanalo sa kategorya B.

Ipinahayag ng pamahalaan ng lalawigan ang pagpapaigting ng kanilang suporta sa lahat ng mga pambansang ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga kawani nito para sa pangangalaga ng kapaligiran. Hinikayat din nila ang mga mamamayan na makiisa sa kanilang misyon nang masiguro ang magandang hinaharap para sa mga Pangasinense. (ANL/AMM-PIA 1, Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s