Tagalog News: Laoag City jail, mananatiling malinis bilang pag-iwas sa sakit ngayong taginit

LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 9 — Panahon ng tag-init. At sa ganitong panahon, maraming sakit ang nararanasan ng tao. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, maaaring magkaroon ng mga sakit sa balat, sipon at ubo at iba pang sakit ang mga tao.

Kung mainit na sa labas, papaano pa kaya sa mga lugar kung saan marami at siksikan ang mga tao? Kagaya na lamang sa mga kulungan. At kapag nagkasakit ang isa ay posible makahawa ng iba.

Sa Lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte, ipinagutos ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa mga kulungan bilang paraan ng pagiwas sa mga sakit ngayong tag-init.

Sinabi ni Inspektor Antonio Sapaden na lahat ng mga nakakulong sa city jail ay inutusan na linisin at ayusin ang kanilang mga selda.

“Ginagawa nila ito araw-araw. Bukod pa dito ay dapat maging malinis sila sa katawan,” sabi ni Sapaden.

Wala pa naman, aniya, ang naiulat na nagkaroon ng malubhang karamdaman maliban sa ordinaryong sipon at ubo.

Sa kasalukuyan ay mayroon 101 na nakakulong sa Laoag City Jail; 84 dito ay lalaki at 17 naman ay babae.

Ayon pa kay Sapaden, nagsasagawa ng regular na medical tseck up ang City Health Office sa mga nakakulong. “Mayroon din sapat na mga gamot na nagmumula sa Regional Office ng BJMP, sa City Health Office at San Lorenzo Clinic ng simbahang romano sa lungsod,” sabi pa niya. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s