Tagalog News: Agarang serbisyo, maagap na benepisyo tugon sa mga OFW’s at kanilang pamilya

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 10 (PIA) — Sa temang “Tatlong dekada ng serbisyong tapat at nararapat,” agarang serbisyo at maagap na benepisyo ang hatid ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga OFW’s at sa kanilang mga pamilya .

Ito ang binigyang diin ni Officer-in-Charge OWWA-Human Resource Management and Development Division Atty. Alex O. Vallespin, mula sa pinaabot na mensahe ng kanilang Administrator na si Carmelita S. Dimzon hinggil sa pagdiriwang ng OWWA ng kanilang ika-30 anibersaryo nitong ika-7 ng Mayo.

Aniya, ang OWWA ay katulong sa paglilikas at pagpapauwi ng libo-libong OFW’s tuwing may sakuna sa ibang bansa.

“Aksiyon ang aming tugon agad sa mga pagkakataong kailangan ninyo ang aming tulong tulad na lamang ng pagbibigay ng pangmedikal at pangunahing pangangailangan na pagkain at tubig noong sinalanta tayo ng nakaraang bagyo,” dagdag ni Vallespin.

Pinasalamatan ni Vallespin ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE dahil sa kanilang pamumuno, pagbibigay direksiyon, at gabay para mapaigting ang kanilang paglilingkod sa kanilang mga kliyente.

Nagpasalamat din ang Officer-in-Chief ng OWWA-1 na si Esperanza C. Cobarrubias sa kanilang mga katuwang na ahensiya tulad ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, Philippine Information Agency (PIA), Department of Trade and Industry (DTI) gayundin, ang DOLE dahil sa kanilang ibinibigay na suporta sa kanila.

Bilang hamon sa OWWA, pinarating naman ni DOLE 1 Director Grace Y. Ursua ang mensahe mula sa kanilang kalihim na si Rosalinda D. Baldoz na pag-ibayuhin ang kanilang paglilingkod, ilapit ang OWWA sa lahat ng kasapi nito, at ibigay ang mga makabuluhang programa at serbisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Naging napakasaya ng okasyon dahil tampok ang iba’t-ibang presentasyon ng mga anak ng mga OFW’s at ng mga empleyado ng ahensya. Nagkaroon rin ng sari-saring parangal para sa mga kawani ng nasabing tanggapan dahil sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa kani-kanilang mga trabaho.

Ilan sa mga parangal na ibinahagi ay ang mga sumusunod: Perfect Attendance Award, Innovation Award, Mentor Award, Customer Service Excellence, Ms. Dedication Award, Years of Service Award, Leadership Award at iba pa. (ANL/MHH-PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s