Tagalog News: Sari-saring potahe agaw pansin sa Regional Recipe Dev’t Contest

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 9 (PIA) — Agaw pansin ang mga potaheng kalahok sa Regional Recipe Development Contest dito sa lungsod kamakailan dahil sa mga kakaibang lutong kanilang ipinamalas.

Ito ay naglalayong maitaguyod o maipakita ang mga tradisyunal na pagkaing mayroon ang probinsiya datapwa’t bilang bahagi ng pagsisimula sa selebrasyon ng Nutrition Month ngayong taon sa temang, “Pagkain ng gulay ugaliin, araw araw itong ihain” sa pamumuno ng National Nutrition Council (NNC) LUPang Ilocos Region.

Ayon sa datos ng NNC, anim lamang ang napili na maglalaban-laban sa pagluluto ng sari-saring pagkain hinggil sa 24 na entry o tala na naibigay sa kanilang opisina mula sa iba’t-ibang sektor ng rehiyon ng Ilocos.

Ang mga napiling ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Kangkong Linambonan ng bayan ng Tagudin; Kangkong at Talong sa Bagoong Alamang ng lungsod ng Batac ; Saluyot Burger ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH –Center for Health Development I ng lungsod ng San Fernando; Tortang Pinakbet ng lungsod ng Urdaneta; Vegetable Lumpia con Peanut ng ng lungsod ng Laoag at Bola-bolang Kalabasa at Alugbati (isang uri ng halamang baging na may pagkabiyoleta ang kulay ng mga sanga at may mamintog-mintog na mga dahon) na may Malunggay Sauce ng lungsod ng San Fernando.

Ang mga hurado sa paligsahan ay sina Rita P. Reyes, Dietitian III ng Ilocos Training and Regional Medical Center; Jasmin Michelle B. Calica, Food Service Supervisor ng Max’s Restaurant rito at Doris Joy C. Garcia, Vice Chairperson ng Regional Nutrition Planning and Evaluation Team.

Ang Vegetable Lumpia con Peanut ng lungsod ng Laoag ang nanalo na kung saan may premyong nagkakahalaga ng P10,000. Ang pangalawang premyo naman na P8,000 ay nasungkit ng lungsod ng Urdaneta sa resipe na Tortang Pinakbet.

Ang isinali naman ng lungsod ng San Fernando ang napiling pangatlo na may premyong P6, 000 samantalang ang iba ay tumanggap ng P2,000 na konsolasyong premyo.

“Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, ang mga tao ay mahihikayat upang dagdagan ang kanilang kinakaing prutas at gulay sapagka’t ang mga pagkaing ito ay mahalagang aspeto ng buhay nang sa ganun matamo ang pangkalahatang kalusugan,” ani ni Myrna C. Cabotaje, Regional Director at RNC Chairman ng Center for Health Development I sa naturang paligsahan.

Ang mga resipe na nanalo ay titipunin sa isang libro na siyang ililimbag upang magsilbing Information Education Communication material para sa mga benipisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na isinusulong ng Department of Social Welfare and Development. (ANL/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa NNC)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s