Tagalog news: Palaro ng Liga ng Barangay para sa pagkakaisa, kalusugan sa Batac

LUNGSOD NG LAOAG, May 9 (PIA) — Magsisimula na ang paligsahan sa basketball ng mga koponan ng Liga ng mga Barangay sa lungsod ng Batac sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Marlon Soria, tagapagsalita ng lokal na pamahalaan, na layunin ng paligsahan na isulong ang pagkakaisa, pagkamaginoo at kalusugan.

“Palagian na din isinasagawa ang mga ganitong torneo hindi lamang para sa katuwaan kundi para na din maitaguyod ang magagandang ugali sa tao. Bukod pa dito ay nailalayo ang mga kabataan at matatanda sa mga masasamang bisyo,” paliwanag ni Soria.

Ang torneo ay proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Alkalde Jeffrey Jubal Nalupta at ng Association of Barangay Captains sa pamumuno ni James Paul Nalupta.

Lalahukan ang paligsahan ng 43 barangays ng nasabing lungsod. Magsisimula ang paligsahan sa Mayo 9 at magkakaroon ng parada sa Imelda Cultural Center.

Matatandaan na isang paligsahan din sa basketball para sa mga kabataan ang isinagawa noong Marso na proyekto ng Sangguniang Kabataan. Nauna na din isinagawa ang isang ‘Fun Run’ para sa kalikasan. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s