Tagalog News: OWWA sa Ilocos ipinagdiwang ang ika-30 anibersaryo

SAN FERNANDO, La Union, Mayo 9 (PIA) — Ipinagdiwang kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa rehiyon ng Ilocos ang kanilang ika-30 taong anibersaryo ng pangangalaga, pagbibigay-proteksiyon at pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging sa kanilang pamilya mula noong ika-tatlo ng Mayo, 1982.

Ang naturang selebrasyon ay may temang “Tatlong Dekada ng Serbisyong Tapat at Nararapat” na ayon sa mensahe ng butihing administrador ng OWWA na si Carmelita S. Dimzon na ibinasa ni Atty. Alex O. Vallespin, Officer-in-Charge ng OWWA Human Resource Management and Development Division, ay pagpapalawak pa ng pagbibigay ng agarang serbisyo at maagap na benepisyo sa OFWs at kanilang pamilya.

“Aksyon agad ang ating laging tugon sa anumang pagkakataon ng pangangailangan,” dagdag pa nito.

Ipinahayag din ng Direktor ng Department of Labor and Employment dito sa rehiyon na si Direktor Grace Y. Ursua ang mensaheng ipinaabot ng kanilang butihing Kalihim Rosalinda D. Baldoz na bumabati sa aniya’y “pangunahing tanggapan ng pamahalaan na nagbibigay serbisyo, nangangalaga at umaagapay sa mga tinaguriang bagong bayani ng lipunan.”

Sa kaniyang mensahe ay tinuran din ng kalihim na bilang pagsunod sa ‘One-DOLE Family Policy” na siyang nagpapatibay ng iba’t-ibang serbisyong pang-manggagawa kung saan kabilang ang OWWA, ay nais nilang higit pang pag-ibayuhin ang paglilingkod at pagbalangkas ng iba’t-ibang programa at serbisyong magpapabuti ng kabuhayan ng manggagawa, nasa ibayong-dagat man o lokal.

Pinaalala din ni Baldoz ang pinaka-importanteng linya ng ating Presidente Benigno S. Aquino III na “ang taong bayan nating pinaglilingkuran ang ating tunay na boss.”

Bilang tugon ay nagpasalamat ang pinuno ng OWWA-RWO1 Esperanza Cobarrubias sa lahat ng mga panauhin at mga ahensiyang nagsisilbing katuwang nila sa pagbibigay serbisyo sa lahat ng pangangailangan ng mga OFWs sa ibayong-dagat at maging dito sa ating bansa sa pamamagitan ng pagtulong at pagtuturo naman sa kanilang mga naiwang pamilya upang magamit ng maayos ang perang pinaghihirapan ng kanilang kaanak na nagtitiis sa ibang bansa.

Nangako rin ang pinuno na mas lalo pa nilang pag-iibayuhin ang pagbibigay ng mas maayos pang serbisyo-publiko sa hinaharap upang lalo pang makatulong sa mga kinauukulang dapat nilang paglingkuran ang mga bayaning OFW at kanilang mga pamilya. (PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s