Tagalog News: One-Stop Shop sa Ilocos Norte, pinadali ang proseso ng papeles ng OFW

LUNGSOD NG LAOAG, May 8 (PIA) — Madali na ang paglalakad ng mga papeles na kakailanganin ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil mayroon ng OFW One-Stop Shop ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Gobernador Imee Marcos.

Sinabi ni Dolores Cortes ng nasabing tanggapan na hindi na kailangan pang lumayo ng mga OFW sapagkat mayroon ng isang opisina na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

“Sa OFW One-Stop Shop, gusto ni Gobernador Marcos na hindi na mahihirapan ang ating mga OFW. Hindi na sila magpapagod at gagastos sa pamasahe sa pagpunta sa Manila o sa San Fernando, La Union,” sabi ni Cortes.

Paliwanag ni Cortes, sa One-Stop Shop, mayroon ng kinatawan ang National Bureau of Investigation (NBI), PhilHealth, Pag-IBIG, at Social Security System (SSS) at dumarating din ang mga taga-Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa Regional Office sa La Union.

Tuwing ikalawa at ika-apat na Martes ng bawat buwan dumarating ang mga kinatawan ng iba’t-ibang tanggapan sa One-Stop Shop.

Sa ganitong mga araw nagpupunta na ang mga OFW upang iproseso ang kanilang mga papeles kagaya ng Balik Manggagawa Overseas employment certificate o OEC.

Hindi bababa sa 100 na OFW ang nagtutungo sa kanilang tanggapan sa bawat araw

Ang OFW One-Stop Shop ng lokal na pamahalaan ay hindi lamang naglilingkod sa mga OFW ng Ilocos Norte kundi maging sa mga karagtig probinsya.

“Mayroon din mga OFW galing sa Cagayan at Ilocos Sur dahil alam nila na malapit na ang tanggapan. At hindi lamang mga OFW ang nagpupunta sa amin. Kahit hindi OFW ay nagpoproseso ng kanilang NBI, PhilHealth, at Pag-ibig dahil nandito na din lang ang mga kinatawan nila,” sabi pa ni Cortes.

Ang OFW One-Stop Shop ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Kapitolyo sa Laoag City. (ANL/CPC-PIA 1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s