Tagalog News: Higit sa 4,000 tinamaan ng ‘Dengue’ mula 2010 hanggang 2012

LUNGSOD NG VIGAN, May 7 (PIA) — Batay sa ulat ng Provincial Health Office, mula Enero 2010 hanggang Marso 30, 2012 umabot ng 4,614 katao ang natamaan ng dengue, 32 dito patay, dahil sa kagat ng lamok na tinaguriang “aedes egipti” .

Ayon kay Bokal Jeremias “Jerry” Singson, chairman ng Komite ng Kalusugan sa Sangguniang Panlalawigan, noong 2010, umabot ng 1,016 ang nagkasakit ng dengue fever at 13 ang namatay karamihan ay mga bata. Sa nakaraang taon, ayon sa Bokal, batay sa report ng Kagawaran ng Kalusugan, dumami ang natamaan ng dengue dahil umabot ng 3,546 at 17 ang namatay sa naturang sakit.

Mula Enero 1 hanggang Marso 30, 2012, iniulat ng kapatid ni Bokal Singson na umabot ng 52 ang natamaan ng dengue at dalawang bata ang namatay. Isa ang namatay sa Heritage City ng Vigan at isa rin ang namatay sa Narvacan.

Nanawagan si Bokal Singson sa mga Local Government Units (LGU’s) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa lalawigan at mga grupo sibiko “na dapat magkaisa para malabanan ang dengue lalo na ngayon na malapit na ang tag-ulan.”

“Paigtingin natin ang kampanya laban sa dengue sa lahat ng barangay, paaralan at iba pang lugar sa pamamagitan ng Operation Linis, Operation Taob at fogging operations,” idiniin ng pangulo ng Joint Community Services Foundation (JCS), isang grupo sibiko na nagpapatupad ng Medical Mission para matulongan ang mga maralita sa lalawigan.

Hiniling din ni Bokal Singson na ikampanya rin ang ‘mosquito trap’ ng Department of Science and technology (DOST), ang bago nilang tuklas na imbensyon nila na nagsisilbing patibong sa mga mangingitlog na lamok na nagdadala ng dengue virus.

Sinabi pa ng Bokal na dapat ding paigtingin ang Dengue Information Drive sa lahat ng barangay pati sa mga paaralan sa pagbubukas ng klase kabilang na ang tulong ng mga radio, telebisyon at diyaryo sa pamumuno ng Philippine Information Agency para mapalaganap ang kampanya kontra sa nakamamatay na sakit. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s