Tagalog News: ‘Balasang ti Away’ tampok sa farmers festival ng Batac

LUNGSOD NG BATAC, May 7 (PIA) — Naging isa sa mga tampok sa Farmers Festival sa Batac ang paligsahan ng ganda, hinhin, at tagisan ng galing ng mga “balasang ti away.”

Ang Balasang ti Away ay tumutukoy sa mga dalaga na naninirahan sa kabukiran. Ang pagpapanatili sa mga kaugaliang probinsya at kahinhinan ng mga kababaihan ang naging layunin ng paligsahan.

Tatlumpong kababaihan ang nagtunggali sa titulo ng Balasang ti Away na kinatawan ng iba’t ibang barangay ng lungsod ng Batac.

Sinariwa naman sa pagtatanong ng mga hurado sa mga kandidata ang mga ugaling dalaga sa mga probinsya at ang nakikita nilang pagkakaiba nito sa mga kababaihan sa lungsod.

Ang Balasang ti Away ay bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng mga Magsasaka sa Batac. Ito ay pagbibigay bunyi sa kadakilaan at paghihirap ng mga magsasaka sa nayon.

Itinuturing ng mga magsasaka na yaman sa lupa ang kanilang mga pananim kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Batac ay walang tigil sa pagbibigay ng tulong pinansyal, maging teknikal sa kanila para mas lalo pang mapalago ang kanilang mga sakahan.

Naniniwala si Mayor Jeffrey Jubal Nalupta ng Batac na malaki ang naiaambag ng mga magsasaka sa buhay ng mga tao at sa pagpapalago ng ekonomiya ng lungsod at lalawigan.

Ang pagdiriwang ng Pista ng mga Magsasaka ay taunang isinasagawa sa Batac kahit noong hindi pa ito naidedeklara bilang isang lungsod. Ito ang unang pagkakaton na ipinagdiwang ito sa ilalim ng pagiging lungsod ng Batac. Isang linggo itong ginunita mula Mayo 1-6 ngayong taon. (JCR/CJD-PIA1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s