Tagalog news: Produkto ng mga magsasaka tampok sa Farmers Fest sa Batac

LUNGSOD NG LAOAG, May 4 (PIA) — Mga produkto ng mga magsasaka ang naipamalas sa idinaos na Farmers Festival sa lungsod ng Batac sa Ilocos Norte kamakailan.

Sinabi ni Marlon Soria, tagapagsalita ng lokal na pamahalaan, makikita ang iba’t-ibang produkto ng mga magsasaka sa mga barangay. Ang Farmers Festival ay nilalahukan ng 30 rural barangays ng Batac.

“Makikita ang mga yaman ng lupa na produkto kagaya ng mais, bawang, sibuyas, kamatis, tabako, pakwan, langka, melon, iba-ibang mga gulay at pagkain sa piyesta,” sabi ni Soria.

Mayroon mga itinayong maliliit na puwesto o ‘stall’ sa Imelda Cultural Center sa plaza kung saan ibinibenta ang mga ito.

Maging ang iba’t-ibang grupo kagaya ng grupo ng kababaihan sa kanayunan ay kalahok sa piyesta.

“Gumagawa ang mga grupo ng mga pagkain kagaya ng rice crackers, camote chips, banana chips, mango preserve, miki, kakanin. Itinitinda nila ito at dagdag kabuhayan na nila,” sabi pa ni Soria.

Binibigyan halaga ng lokal na pamahalaan ng Batac sa pamumuno ni Alkalde Jeffrey Jubal Nalupta ang mga magsasaka para sa kanilang malaking naiaambag sa buhay ng mga tao at ekonomiya ng lungsod at lalawigan. Patuoloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong-pinansiyal at teknikal at pagsasanay sa mga magsasaka para sa kanilang kaunlaran. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s