Tagalog news: ‘Operasyon-tuli,’ libre sa Laoag

LUNGSOD NG LAOAG, April 28 (PIA) — Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Laoag ng libreng tuli ngayong tag-init para sa mga kalalakihan.

Ito ay bahagi ng kanilang programa sa kalusugan para sa wastong paglaki at pag-unlad ng mga kabataan.

Sinabi ni Felicitas Santiago, ang population program officer ng lungsod, lahat ng kakailanganin sa isasagawang operasyon ay libre, kabilang na ang mga gamot, antibiotics, at mga kakailanganin pa pagkatapos ng operasyon.

Layon ng lokal na pamahalaan na makapagbigay serbisyo sa mga kabataang lalaki at pati na din sa mga may edad na na gustong makibahagi sa programa.

Ang ‘operasyon-tuli’ ay isasagawa sa iba’t-ibang barangay ng lungsod para mas malapit na puntahan ng mga interesadong sumailalim sa operasyon.

Sinabi pa ni Santiago na walang paunang rehistrasyon ang nasabing programa ng siyudad, kung kaya’t agahan nilang pumunta sapagkat ‘first-come-first-serve basis’ ito.

Magiging bahagi ng programa ang mga doktor mula sa Laoag City General Hospital (LCGH) na siyang magsasagawa ng operasyon. Ang mga nars mula sa City Health Office (CHO), Department of Public Safety (DPS), at Philippine National Red Cross (PNRC) ay tutulong din sa programa.

Ang ‘operasyon-tuli’ sa tag-init na Laoag ay taunang programa ng lungsod ng Laoag sa pamamagitan ng Population Commission (PopCom). Ngayong taon, ang programa ay nagsimula na noong Lunes, ika-23 ng Abril at inaasahang magtatapos sa ika-7 ng Mayo. (ANL/CJD-PIA 1, Ilocos Norte)

Tagalog news: Aplikante maaaring mag-online registration para sa Job Fair

LUNGSOD NG LAOAG, April 28 (PIA) — Kaugnay sa pagdaraos ng Labor Day ngayong taon, magsasagawa ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o Department of Labor and Employment-Regional Office 1 ng online registration para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sinabi ni Leonavella Dadiz, information officer ng DOLE sa Ilocos Norte, maaaring mag-online registration ang mga jobseekers mula sa Ilocos Norte para sa gaganapin na job fair.

Isasagawa ang Jobs Fair at Services Caravan sa SM City sa Rosales, Pangasinan.

“Maaari silang magpa-rehistro sa Phil-JobNet o pumunta sa http://www.dole.gov.ph, ang official website ng DOLE, at hanapin ang Ilocos regional office. Ang mga employer naman ay maglalagay din ng mga bakanteng posisyon” sabi ni Dadiz.

Paliwanag pa ni Dadiz na mas malaki ang tsansa ng mga nagparehistro na makakuha ng trabaho sa Job Fair dahil mayroon ‘job matching’ ang DOLE. Subalit kinakailangan pa din magpunta ang mga aplikante upang sumailalim sa interview at magsumite ng mga kakailanganin na dokumento, aniya.

Kailangan magdala ng resume, litrato, transcript of records at NBI clearance bilang paunang mga dokumento, ayon pa kay Dadiz.

Sa gaganapin na Jobs Fair sa Pangasinan, mayroon din ‘One-Stop Shop’ kung saan kalahok din ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno. Magbibigay ng serbisyo ang Social Security System, Government Service Insurance System, Philhealth, Overseas Workers Welfare Administration, Technical Education and Skills Development Authority, Professional Regulations Commission, at iba pa.

Ang tema ng ika-110 na selebrasyon ng Labor Day ngayon taon ay “Pagtutulungan. Pagbabago. Disenteng Trabaho.”(ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

50 PRO1 cops finish first responders course

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, San Fernando City, La Union, April 28 (PIA) — Fifty police personnel who finished the 10-day Police First Responders Course were awarded certificates recently in rites held at the Masikap Classroom, Camp Brigadier General Oscar M. Florendo, Parian, this city.

“The Police First Responders Course aims to train our policemen on the ground on effective and efficient handling of critical situations, proper procedure in responding to disaster, and the skills and knowledge in the administration of first aid and basic life support,” according to Police Senior Superintendent Reynaldo G. Biay, Police Regional Office 1 chief of the Regional Personnel and Human Resource Doctrine Development.

Biay said the training course, which started on April 10 at the Regional Special Training Unit 1 under the supervision of Police Superintendent Robert S. Daculan, is designed to enhance the capability of the police force in responding to crime incidents and other emergency situations.

PSupt. Raul S. Romero, the Regional Public Information Office Chief said that these graduates, composed of police non-commissioned officers from Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, and the Regional Public Safety Battalion 1 underwent this training as part of the 10-Point Action Plan of PNP Chief Nicanor A. Bartolome, particularly on the Enhancement and Specialization of Skills.

PRO1 Director Police Chief Superintendent Franklin Jesus B. Bucayu led the awarding ceremony during the event.

This is being implemented in all Police Regional Offices nationwide, targeting police personnel engaged in beat patrol and those assigned to units primarily tasked to respond to disasters and similar emergency situations as priority participants, Romero said. (ANL/MHH-PIA 1 La Union with reports from PRO1)

April 30 is a special non working day in Dagupan City for Bangus Fest

DAGUPAN CITY, April 28 (PIA) — It will be a long holiday of festivities for Dagupeños as Malacanang declared April 30, a holiday in the city.

Proclamation No 371 signed by Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr by authority of the President, declares Monday, April 30 as a special non-working day in the city of Dagupan to enable its people to participate in the Bangus Festival.

The proclamation said it is but fitting and proper that the people of the city be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.

The Bangus Festival, now on its 11th year, is an annual event in the city with the street party grilling dubbed as ‘Kalutan ed Dalan’ as the event highlight scheduled on April 30. Thousands of bangus (milkfish) will be grilled simultaneously in the main streets of the city and several stages will be put up for the street concert come night time.

The declaration marks a long vacation for Dagupeños since the next day May 1 or Labor Day, is a regular holiday in the Philippines. (ANL/VHS-PIA 1 Pangasinan)

Tagalog news: 75 employers mag-aalok ng trabaho sa jobfair sa “Araw ng mga Mangagawa’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 28 (PIA) — Bilang parte ng selebrasyon sa Labor Day o Araw ng mga Manggagawa sa Mayo 1, isa sa pinakamalaking aktibidad ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE 1 ay ang jobs fair. 

Ayon kay Teresa Bonavente, OIC ng Technical Services Support Division ng ahensiya, aabot sa 75 employer na lokal at overseas ang mag-aalok ng trabaho sa SM City, Rosales, Pangasinan kaya’t inanyayahan lahat ng mga naghahanap ng hanapbuhay na magsadya rito. 

Ilan sa mga bukas na posisyon na iaalok ng mga ito ay ang mga sumusunod: Customer Service and Technical Support Representatives, Sales Promoters, Production and Finance Supervisors, Restaurant Supervisors and Managers, HR Assistants, Service Crew, Web Developers, Clerks, Accounting Staff, Systems Engineers, IT Personnel, Drivers, Cashiers, Credit Collectors, at Office Secretaries. 

Hinimok ni Bonavente na magparehistro ng mas maaga ang mga aplikante sa pamamagitan ng Phil-JobNet o http://www.phil-job.net/ para mas mapadaling makita ng mga may-ari ng iba’t-ibang establisyimento ang mga nararapat kunin para sa mga posisyong ihahandog. 

Mula sa panayam kay Fiorello B. Surell ng DOLE La Union Field Office kamakailan sa “Ammuentayo” radio program, sinabing ang aktibidad ay bilang suporta sa administrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino na makalikha ng maraming trabaho bilang stratehiya upang mabawasan ang kahirapan sa bansa bilang tugon sa Philippine Development Plan. 

Sa temang “Pagtutulungan. Pagbabago. Disenteng Trabaho” ngayong taon sa Labor Day, inaasahan ng naturang ahensiyang mas maraming matulungang naghahanap ng trabaho hindi lamang mga residenteng nasa Pangasinan ngunit maging sa karatig probinsiya rin sapagka’t higit pa sa 8,000 trabaho ang ihahandog. (ANL/MHH-PIA 1, La Union may kaakibat na ulat mula DOLE1)