Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN

By Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 29 (PIA) — Patuloy ang mga programa para sa mga matatanda sa Ilocos Norte, ayon sa opisyal ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development-DSWD).

Sa panayam sa programang “PIA Hour” sa DWFB-Radyo ng Bayan, sinabi ni Lilian Rin, Provincial Social Welfare and Development Officer, maraming programa para sa mga senior citizens ang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at DSWD.

“Palagian ang mga miting para sa mga matatanda sa amin sa opisina ng DSWD sa probinsiya . Ang napag-uusapan ay ipinapaalam sa mga grupo sa mga munisipio,” pauna ni Rin.

Ang mga matatanda ay miyembro ng mga pederasyon sa kani-kanilang munisipio at sumasailalim sa pangkalahatang pederasyon ng lalawigan o provincial federation.

“Para sa mga matatanda na namatay na, mayroon silang programa na Mutual Benefit System. Sa programang ito ay tumatanggap ang pamilya ng namatay ng P13,000 na tulong,” sabi ni Rin.

Ayon pa kay Rin, aktibo ang mga matatanda sa mga panahon ng mga piyesta. “Nandiyan ang mga pagsasagawa ng mga patimpalak na layunin ay pagkakawang-gawa o charity contest. Mayroon silang mga masasayang pagtitipon at mga aktibidad para sa kanilang mga barangay o nayon,” aniya Rin.

Subalit para kay Rin, isa sa pinakamagandang programa pa din ang ipinapatupad na pagbibigay na 20 porsyento na diskwento sa mga gastusin ng mga matatanda, lalong-lalo na sa pagpapagamot dahil kailangang-kailangan na nila ito.

Dahil sa pangangailangan sa kalusugan, nagtayo ang ilang munisipio ng ‘Botika Para Kay Lolo at Lola.’

“Sa halip na mahirapan na pumila ang ating mga matatanda sa mga botika ay makakabili na sila ng mga kailangan nilang mga gamot sa mga botikang ito sa mismong kanilang bayan. At bibigyan pa din sila ng diskwento,” sabi ni Rin.

Bukod sa mga programa na ito ay sinimulan na din ang Social Pension na programa ng Pamahalaang Aquino.

“Sa Social Pension ay tumatanggap ng P500 bawat buwan ang mga mahihirap na matatanda. Ang mga benipisyaryo nito ay pinili mula sa National Household Targeting System,” paliwanag ni Rin.

Ang mga benipisyaryo ay yaong walang pinagkakakitaan, walang tinatanggap na pensyon o kahit man lamang sustento mula sa kamag-anak. Sila din dapat ay hindi bababa sa edad na 77.

“Mayroon mga benipisyaryo mula sa lahat ng bayan sa Ilocos Norte. Maganda ang programa na ito ni Pangulong Aquino na nagbibigay ng tulong sa mga talagang mahihirap na matatanda at nabibigyan sila ng pagpapahalaga mula sa pamahalaan,” sabi pa ni Rin. (JCR/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng ‘Seal of Good Housekeeping” award

by Ben P. Pacris

 

CAOAYAN, Ilocos Sur, Jan. 26 (PIA) — Nagkamit ng “Seal of Good Housekeeping Award” ang maliit na bayan ng Caoayan–lupang pinagmulan ng dating Presidente Elpidio Quirino–dahil sa pagtupad ng pamahalaang lokal sa “transparency and accountability policy” ni Presidente Bengno Aquino III alinsunod sa “matuwid na daan.”

 

Pinarangalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaang lokal ng Caoayan dahil sa maayos at malinis na pamamalakad ng mga proyekto at programa, na pangunahing batayan sa pagpili na naturang parangal.

 

“Lahat ng programa at proyekto ng municipal government–pati mga expenditures at procurement process–ay bukas sa publiko para maiwasan ang katiwalian at ang hindi makatarungang paggastos ng pondo ng munisipiyo,” ayon kay Mayor Germelina “Germy” Singson–Goulart.

 

Kabilang sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ang “One Barangay, One Product” tulad ng “abel” (loom weaving), at pagpapatayo ng modernong Municipal Building o “Balay ti Ili” na may mga modernong kagamitan para sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno. Ang tatlong palapag na gusali ay mayroong Senior Citizens Center.

 

Matatapos ang bagong munisipiyo sa Nobyembre, sabay sa pista ng bayan. (RDA/ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Practice good governance in infra projects – Sec. Singson

By Miriam P. Aquino

 

SAN FERNANDO CITY, La Union, Jan. 26 (PIA) — Adhering to the present administration’s policy of good governance, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio L. Singson urged officials of DPWH in Region 1 to enforce good governance in implementing infrastructure projects.

 

Speaking before the officials of the DPWH-Regional Office 1, Singson said “Let us enforce good governance by implementing the right project, with the right cost, right quality, at the right time and by the right people.”

 

According to DPWH1 Public Relations Officer II Esperanza C. Tinaza, one of the primary agenda discussed during the Secretary’s visit was the importance of a drainage system in all national roads particularly the flooded areas.

 

Citing the floods and landslide that happened in Mindanao and in some other parts of the country, Singson said that the DPWH flood mitigation projects are very crucial. “Make sure that these waterways, canals and drainages are not clogged; these must be working and effective especially during rainy seasons,” he said.

 

The Secretary instructed the District Engineers from the different district offices here in the region to be strict in approving plans submitted by subdivision developers along the national roads. “Make sure that these proposed subdivisions must have a retarding basin to avoid flooding, “hindi iyong nakikipagsabayan ang agos ng tubig mula sa mga subdivision sa ating mga drainage system na nasa kalsada (flowing water from subdivisions must not flow through to the drainage systems along the streets) ,” he added.

 

DPWH flood mitigation efforts are very crucial, and drainage systems are constructed to collect waters from national roads not from subdivisions, Singson said.

He also urged DPWH officials in Region I to continue upholding principles of public service, discerning what is good for the community. (ANL/MPA-PIA 1 La Union with reports from ETinaza/DPWH1)

Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG

ni Cherry Joy S. Discaya

 

LAOAG CITY, Jan. 26 (PIA) — Sapat na silid-aralan, pagkakaroon ng maayos na pasilidad at edukasyon para sa lahat ang tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte bilang tugon sa Milennium Development Goals (MDG).

 

Sa pamamagitan ng Provincial Education Department (PED) ng lokal na pamahalaan, sinisiguro nito na ang layunin na maabot at matugunan ang lahat ng pangangailangan sa edukasyon sa lahat ng sulok ng probinsya ay naibibigay.

 

Mayroon nang kabuuan na 13 silid aralan na binubuo ng dalawang kwarto ang naipatayo para sa mga mag-aaral ng elementarya.

 

Maliban pa dito, may daang silid-aralan na din ang napaayos partikular na sa mga liblib na lugar simula pa noong taong 2010, kung saan nagsimula ang implementasyon ng nasabing proyekto.

 

Ayon kay Jeanette Dials, pangulo ng PED, sinisiguro daw nila na lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sapagakat batid daw nila ang kahalagahan ng edukasyon. Ito ay para magkaroon din ng sapat na paghahanda ang mga bata sa mas mataas na antas ng edukasyon.

 

Sa aspeto naman ng pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon, patuloy pa rin ang probinsya sa paggawad ng scholarships sa mga mag-aaral dito. Mula 6,000 iskolar, tumaas ito sa kulang-kulang na 10,000 noong nakaraang taon.

Dahil dito, naglaan ang lokal na pamahalaan ng P6 Million pundo bilang pantustos sa lahat ng pangangailang edukasyon ng mga nasabing iskolars. Kabilang na ang stipend, tuition fees at iba pang pangangailangan.

 

“Patunay lamang na ang ating lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng sapat na suporta para sa pagpapaunlad ng edukasyon ng mga kabtaan bilang tugon sa Millennium Development Goals ng bansa” pahayag ni Dials sa opisyal na website ng Ilocos Norte.

 

Bilang patunay sa positibong bunga ng mga nasabing benepisyo, tumaas naman ang bilang ng mga enrollees, mula 11.21 porsiyento sa taong 2010, tumaas ito sa 23.57 porsiyento. Kinabibilangan ito ng antas sekundarya, elementarya at kindergarten.

Sa taong ito, mas paiigting pa ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang proyekto. Kabilang sa mga ito ay ang paggawad ng mas maraming scholarship, pagbibigay ng libreng transportasyon sa mga mag-aaral, sapat na gabay sa pag-aaral, at pagbibigay insentibo sa mga guro at mag-aaral.

 

Milya-milya na ang nararating ng probinsya sa pag-abot ng MDG. Ang pagbibigay ng mga ganitong benepisyo sa edukasyon ay hindi lamang bilang tugon sa MDG kung hindi para bigyan din ng mas maayos na kinabukasan ang mga kabataan. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education

by Ma. Cristina C. Arzadon 

LAOAG CITY, Jan. 26 (PIA) – The provincial government’s education program for public schoolchildren continues to send more poor students to various school levels under the Millennium Development Goals program.

 

Based on the Provincial Education Department’s records, close to 10,000 schoolchildren were given funding support for 2011. The PED was created in 2010 as an education program for the poor.

 

Under the program, the PED seeks to provide a complete primary education among children in poor communities.

 

A Capitol media release posted on its website said the campaign focuses on providing quality basic education to all children in the province.

 

The provincial government has set aside P6 million to support the children’s stipends, tuition fees and other school requirements.

 

The funds are also intended for the construction of school buildings in areas that suffer from classroom shortage.

 

Last year, at least 13 bungalow-type school buildings with two classrooms for primary and elementary education in remote areas were built.

 

Capitol records also showed an increase in enrollees for 2011. At least 6,379 new students enrolled in kindergarten, elementary and high school levels in the public sector while 2,086 enrolled in the private sector.

 

The PED is eyeing more scholarship grants for college students for 2012.

The provincial government also provides free school rides to poor schoolchildren in Laoag and Badoc town. (ANL/CCA-PIA 1 Ilocos Norte)

Tagalog News: Turismo at pangkabuhayan, prayoridad ng Caoayan, Ilocos Sur

ni Ben P. Pacris

 

CAOAYAN, Ilocos Sur, Jan. 25 (PIA) — Sisikapin ng pamahalaang lokal sa 2012 na paunlarin ang kabuhayan ng mga mahihirap tulad ng mga mangingisda sa maliit na bayang ito.

 

“Prayoridad ang pagtataguyod ng turismo sa mga coastal barangays sa makasaysayang bayan na ito na kung saan naganap ang barter trade sa mga barko mula sa Mexico noong bago pa dumating ang mga Kastila,” idiniin ng Alkalde.

 

Batay sa plano ng munisipyo, nakipag-ugnayan na sa Kagawaran ng Turismo at Kagawaran ng Pangangalakal at Industriya na gagawing tourist spot ang Barangay Fuerte at ibang lugar na pinagdaongan noon ng mga makasaysayang barko, sinabi ng Alkalde.

 

Itatayo ang mga tindahan na magtataguyod ng mga “One Barangay, One Product” kabilang na ang ipinagmamalaking “One Town, One Product” (OTOP) na Abel (Loom Weaving) Iluko para magsilbing pangkabuhayan ng mga naninirahan sa tabing dagat, dagdag ng Alkalde.

 

Kumontak na sila ng mga dalubhasang arkitekto na magdisenyo para sa planong mabuo ang replica ng sinaunang barko para maging atraksiyon sa mga turista. Dito masaksihan ang panahon ng barter trade na kung saan nagpapalitan ang dalawang panig ng produktong “basi” (Ilukano Red Wine) at “burnay” (clay pottery) o “diro” (honey) mula sa Ilokos na pinapalitan ng sariling produkto ng dayuhang panig. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Tagalog News: LGU nais lagyan ng ‘official seal’ ang Vigan Longganisa

By Ben P. Pacris

 

VIGAN CITY, Jan 25 (PIA) — Hindi na lamang ang mga Bigueno sa Heritage City ang gumagawa ng Vigan Longganisa na kinagigiliwan at hinahanap-hanap ng mga turista. Ang tanyag na “One Town, One Product” ng probinsya ay negosyo na din ng mga naninirahan sa iba’t bayan sa lalawigan.

 

Ayon kay Mayor Eva Marie Singson Medina, ito ang nagpapatunay na malaki ang naitutulong ng “best selling product” na ito sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga pamilyang nagnenegosyo sa tradisyonal na industriyang ito.

 

Kahit sa ibang lugar sinasabi nila o nakatatak sa itiketa ng paninda nila na Vigan longganisa kahit hindi galing sa Vigan, sinabi ng Alkalde.

 

Sinabi niya na walang makapagbabawal sa ganitong uri ng negosyo lalo na nakakatulong din sa promsyon ng dating Ciudad Fernandina dahil nakatatak ang “Vigan Longganisa “ngunit hindi na malaman kung ito ay orihinal na produkto na gawa dito.”

 

Idiniin ni Mayor Medina sa naganap na panayam sa media sa Vigan Culture and Trade Center sa selebrasyon ng fiyesta sa siudad, na plano ng City Government sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na lahat ng mga produktong longganisa na gawa sa Vigan, ay may tatak ng “official seal” ng Vigan . “Sa ganitong paraan, malaman ng mga bumibili lalo na ang mga turista na talagang gawa ng mga Bigueno ang produktong binibili nila,” idinagdag ng Mayor.

 

“Dapat ding ma-protektahan ang industriya ng langgonisa kontra sa pagpasok n g mga ‘botcha’ o double dead na karne mula sa ibang lalawigan para mapangalagahan ang kalusugan ng mga mamamayan at hindi mabahiran ang promosyon nito sa bansa at abroad,” sinabi ng City Mayor.

 

Pati sa mga fastfood at restaurant ay may halong Vigan longganisa ang mga isine- serve nila tulad ng pizza at iba pang putahe na gustong- gusto ng mga bagong dayo pati dayuhan at lokal na turista”, sinabi ng Mayor.

 

Bilang kampanya ng City government sa preserbasyon at pagtataguyod ng OTOP na dito nakatatak ang kultura at tradisyon ng mga Ilokano, naglunsad ng Langgonisa Parade na nilahukan ng mga gumagawa at nagtitinda ng longganisa sa siyudad at Longganisa Cook Fest na sinalihan ng mga estudyante sa mataas na paaralan at Kolehiyo sa Vigan. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)