Tagalog News: Mga lokal na produkto tampok sa pamaskong bazaar

by Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Dec. 01 (PIA) — Pasko na talaga. Panahon na ng saya, malamig na panahon. Panahon na din ng pamimili ng aginaldo.

Sa unang araw ng Disyembre, sumasayaw at nagpapatugtog na ng trumpeta ang isang life-size na makenang Santa Klaus sa bungad ng Laoag City Hall.

Ayon sa media office, ito ay para maaliw at gumaan ang pakiramdam ng mga tao lalo na sa mga nagtutungo sa mga opisina ng City Hall.

Bukas na din ang Christmas Bazaar ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte.

Mga sari-saring paninda mula sa mga micro, small and medium entrepreneurs ang mabibili sa bazaar. Mayroon mga lokal na produkto kagaya ng mga furniture, souvenir items ng lalawigan, kumot, table runners na gawa sa Abel na tela, at iba pa.

Mayroon din mga pagkain na miki noodles, bagnet o chicharon, longganiza, alak, puto calasiao at kutsinta at iba pa. Mabibili din ang mga produkto ng mga bayan ng Ilocos Norte sa ilalim ng One-Town, One-Product na programa ng Department of Trade and Industry.

Subalit hindi lamang mga lokal na produkto ang mabibili sa bazaar dahil mayroon din mga fashion items kagaya ng relo, accessories, damit at sapatos. (ANL/CPC-PIA Ilocos Norte)

Advertisements

One thought on “Tagalog News: Mga lokal na produkto tampok sa pamaskong bazaar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s